6 Reason’s why most of People don’t Get Rich.

Anak: Pah, bakit po tayo mahirap?
Itay:   Eh kasi anak, ganon talaga, destiny na natin to, wala na tayong magagawa.

Minsan ba tinanong ka na ng ganyan? o tinanong mo na ba ang sarili mo kung bakit ka mahirap or bakit nga ba kayo mahirap at bakit hindi ka mayaman?

Actually maraming paraan para yumaman ang mga tao kaya lang
tumatak na kasi sa isipan natin na mahirap talagang yumaman.

May 6 na dahilan ako kung bakit nahihirapang yumaman ang Pilpino
na kung babaguhin natin e malalaman natin na posible pala at hindi pala ganon kahirap.

Nahihirapang Yumaman ang karaniwan sa ating mga Pilipino dahil 

1.) Environment Mindset - unang una dahil sa kultura na yata ng mga pilipino ang pagiging mahirap. Dahil mahihilig tayo manood ng teleserye at mapapansin mo na kadalasan ang mga bida e mga mahihirap kaya subconsciously nag eenjoy tayo na maging mahirap.

- nahihirapan tayo yumaman dahil marami tayong mga kakilala, kaibigan na nagsasabi na mahirap yumaman kaya nako condition ang utak natin na talagang mahirap yumaman.

-kadalasan kung kanino ka sumasama nagiging ganon ka, kasi ang mga pinaniniwalaan nila at ang ginagawa nila araw araw ay gagayahin mo unconsciously. kaya subconsciously kapag inisip mong maging mayaman e iisipin mong imposible.

- Nahihirapan tayong yumaman dahil sa masyado tayong Fan ng Social Media, mga balita sa tv, radyo, diyaryo at nakikinig at pinaniniwalaan natin ang sinasabi nila na dahil sa Gobyerno, kaya tayo nagiging mahirap.
kaya lang kung iisipin, kahit sino pang Presidente o hari ang ilagay mo sa Malacanang, hindi tayo yayaman kung hindi tayo magde decide at hindi tayo magde decide kung hindi tayo magiging determinado kung paano yumaman.

- kung gusto mong maging magaling sa basketball, dapat pinapraktis mo araw araw ay basketball at hindi volleyball at dapat ang iniidolo natin ang mga basketball players at hindi Dota Players.

ganon din sa pagyaman, dapat ang sinusundan nating yapak at pinapakinggan nating mga advice ay yung mga taong nakapag create ng Wealth at naging successful, hindi yung mga taong nag failed at nag quit.

2.) LACK OF VISION - 
Nahihirapan po tayong yumaman dahil sa kulang ang Vision natin, madalas tayong nakakarinig ng advice ng “kung mangangarap ka rin lang dapat yung mababa lang dahil kung hindi mo man makuha atleast hindi ka masasaktan. Pero isipin mo kung mangangarap ka rin naman lang Taasan mo na ang pangarap mo, yung mangagarap ka na kumikita ka ng 1 Milyon isang araw, para kung sumablay ka, 500 thousand isang linggo, atleast malaki pa rin yun.

Nahihirapan tayong yumaman dahil Wala namang nagsasabi sa ating madaling yumaman at hindi ka nakikinig sa mga taong sinasabing pwede kang maging mayaman, dahil ang iniisip mo kapag kikita ka ng malaki ito ay imposible dahil masama agad ang iisipin mo.

Dahil napakaliit ng Psychological Wallet natin, hindi natin naa appreciate ang malaking kitaan na opportunity na pinakita sayo.
halimbawa, sanay ka na ang sweldo mo ay 10,000 isang buwan at all of the sudden biglang dinoble ng boss mo ang sweldo mo, kadalasan ang unang magiging reaksyon mo ay masaya dahil 20K ang kinita mo ngayong buwan na ito. 

at dahil subconsciously hindi ka sanay sa 20K ang gagawin mo, ito na yung pagkakataon para bumili ng mga bagay tulad ng damit, cellphone na gustong gusto mong bilhin at minsan magiging galante ka na parang ang yaman yaman mo na.

Subconsciously, hindi ka sanay sa 20K kaya ang gagawin mo, gagastusin mo ang 10K sobra para bumalik ka sa 10K kung saan ka sanay.

Pero kung halimbawa ang gusto mong kitain ngayong buwan na ito ay 100 thousand, kung 10K ang sweldo kahit maging 20K at 30K pa yan, hindi ka magiging sobrang galante dahil makukulangan ka pa rin.

Most of People na mayayaman at marunong magpayaman kapag dumating yung time na  nalugi sila, dahil may alam na sila at alam nila kung paano magpa ikot ng pera, mababalik nila kung paano sila yayaman ulit, hindi katulad ng mga nanalo sa lotto o yung mga biglang yumaman lang. Kadalasan, ang perang natanggap nila puro palabas at walang papasok kaya nalulugi.

Dahil Hindi nag aaral kung paano pa mas yayaman.

3.) Don’t Set Goals - 
   - Maraming gustong yumaman pero iba ang ginagawa sa gustong mangyari. Alam naman nila na mahirap magtrabaho at kadalasan kinukulang ang sweldo sa pagtatrabaho, ang ginagawa lang natin ay ganon pa rin.
 - Sanay tayo sa Bahala na habit.


4.) Procrastination - 
     May nabasa, may natutunan at may paraan na kung paano yumaman at nagkaroon na siya ng idea kung paano yumaman pero hindi pa rin ginagawa dahil…. bukas na lang, tinatamad akong mag explain… wala pa akong time at hindi pa ako ready mag explain….

5.) Survival Mechanism -
    Nasa Pagnenegosyo ang Pagyaman, kaya lang ayaw nating gawin dahil sa pagnenegosyo, walang fix income.

    Ayaw nating umalis sa Comfort zone natin at ayaw nating i-grab ang opportunity na pinapakita sa atin.

6.) Negative Thinker - Kapag may nagsasabi sayo ng oppotunity, kadalasan, dahil sa security mindset mo at negative thinker ka, hahanap ka ng butas o mali sa mga sinasabi sayong pagkakataon.


4Love for Love

4Love for Love.

2 weeks before Love month, at mauuso nanaman ang halikan sa mall. nagkalat na flowers, babaeng naiinggit sa mga babaeng may dalang flowers. mga lalakeng bitter kasi walang mapagbigyan ng flowers at yung iba, wala lang talagang pambiling flowers. yung iba naman katulad ko, nahihiya bumili ng flowers. pero yung iba naman grabe sa effort, may flowers, chocolate, lobo na hugis Puso, may malaking card pa, meron flying lantern, may fireworks pa. (mayaman eh) pero kung mahirap, tukneneng lang okay na. basta magkaholding hands lang kayo, okay na. Para sa Girlfriend mo, i-sacrifice mo lang yung paglalaro ng DOTA para sa kanya, okay na yun. Pero bigyan mo naman ng bulaklak bro, kinse lang sa simbahan yun e.

4 LOVE for Love.

Kapag ito na talaga ang pinag uusapan, talagang lahat ng tao may kanya kanyang opinyon tungkol dito, may bitter, may masaya, may wala lang, may kung ano ang sabi ng iba yun na din yung kanya, may feeling genius na kung maka advice akala mo, perfect ang lovelife pero wala palpak din naman at may mga nabubuhay sa nakaraan

iba iba ang opinyon. Pero nagsisimula lang naman ang Opinyon na yun base sa 

1. Naranasan na nila, 2. Nararamdaman nila sa kasalukuyan, 3. Naririnig sa ibang tao 4. Dahil sa Media. (napapanood sa t.v at sine, nababasa sa libro, facebook at naririnig sa radyo.) 5. Mind Set ng magulang, 6. Environment. 

Kaya nga kapag nasa momentum tayo ng pagiging inlove, wala tayong pakialam sa opinyon ng ibang tao o sinasabi ng Bible about love, kasi para sa atin when it comes to love, everything is a forever lalo na kung bago pa lang sa atin ang maka experience ng feelings na “in love”

When we are inlove, kung ano anong sayings ang pinaniniwalaan natin.

Love at first sight, Follow Your heart, First Love never dies, Love is blind etc.

just to justify the feelings na nararamdaman natin.

makakita ka ng Gwapo/ Maganda, type na type mo, tapos mabait pa sayo at kinilala ka, ang iisipin mo, naiinlove ka na, kahit hindi mo pa talaga kilala nang husto yung tao. Pero we fall for this habit kasi na mind set tayo sa mga napapanood natin sa Sine at sa T.V na mga gwapo at magagandang artista ang mga bida dun.

Nala Love at first sight ka. tapos nag iimagine ka na kung paano tatakbo ang lovestory nyong dalawa. kasi nga sanay ka sa mga kwento na napapanood at nababasa mo.

Merong 4 kinds of Love. nabasa ko lang sa wikepedia.

1. Eros - ( Cupid ) ito yung madalas sa love at first sight. Pag ibig na hindi pure na pag ibig ang hangad dahil may kalakip na pagnanasa na maka sex ang partner. 

Pag ibig na unang minahal ay yung Physical aspect ng tao at hindi yung kalooban nito.

Dito tayo blinded. dito tayo madalas nata trap. minsan kahit hindi siya gwapo o maganda pero nagpapadala tayo sa nararamdaman natin sa katawan natin na “lustfully thoughts” o sa tagalog kalibugan nadadale tayo. Nakakalimutan natin ang self control pero para lang mapagtakpan ang guilt feelings sasabihin natin sa sarili natin at sa partner natin, “Okay lang hon, mahal naman natin ang isat-isa eh”

at nangyayari yun kapag masyado nating sinusunod ang Emotion natin at hindi tayo sumusunod sa will ni God. 

sabi ng Mundo Follow your heart pero sabi sa bible Guard your heart.

"Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life." - Proverbs 4:23

kasi nga ang puso natin ang pinaka mandaraya o manloloko sa lahat. 

"The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?"

- Jeremiah 17:9

hindi tayo nakakapag desisyon ng tama, akala lang natin tama kasi pakiramdam natin ito ang tama. kasi ito ang gusto nating maramdaman dahil ipipilit din kasi natin kahit mali. So ang nangyayari ang mali nagiging tama. Mapagbigyan ka lang.

Mag ingat ka sa mamahalin mo. lalo na kung alam mong may itshura ka. Alam ko naman lahat ng tao may itshura pero kung alam mong maganda ka lalo na mga babae, ingatan mo ang sarili mo. wag kang basta basta magpapadala sa mga banat, papuri, panliligaw ng lalake.

kapag totoo nag nararamdaman niyan sayo, manliligaw yan at wala yang paki alam kung gaano katagal at kung may pag asa yan o wala, basta kung mahal ka niyan ipapakita at ipaparamdam niyan sayo ang pagmamahal. Sa paanong paraan?

- may tiwala, hindi ka niya bibigyan ng feelings of being guilt, mapagparaya, patient, keeps no record of wrong at handang maghintay.

2. AGAPE LOVE - yan yung tinutukoy kong LOVE na Pure. Love na Holy. Love na Godly o maka Diyos na pag big. Love na hindi naghihintay ng kapalit. Love na marunong maghintay at matiyaga. Love na hindi ka mamadaliin, Love na buo ang tiwala, 

Love na nagbibigay, Love na nagsasacrifice, Love na kahit hindi ka na kinikilig sa kanya pero gusto mo pa rin siyang kasama.

"4Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres." Love never Fails.

- 1 Corinthians 13 - 4 - 7

it is not easily angered. - hindi madaling magalit. Kapag bago pa lang kayong magkakilala, oo lahat sa kanila okay lang, kasi kinikilig kilig pa kayo sa isat isa, nakakaramdam pa kayo ng chemical reaction kapag magkasama kayo, magkausap kayo o magkatext kayo. pero kapag kayo na, kapag sinagot mo na yung lalake, wala na. ang bilis magalit kapag makulit ka, text ka ng text at yung mga babae naman sa boyfriend nila, mabilis magalit kapag may kausap na ibang babae ang boyfriends nila.

AGAPE love is not easily Angered. marunong mag isip muna bago magsalita. marunong magtimpi muna bago magdesisyon. it is always positive at para lagi sa ikakabuti ng isa at hindi lang pansarili 

it is not self seeking - hindi yung nararamdaman niya ang uunahin niya kundi ang nararamdaman ng partner niya. hindi puro siya ang nagbe benefit.

keep no records of wrong - Hindi na iniintindi ang pagkakamali ng partner. Kahit ano pa ang nakaraan. Wala na. Halimbawa, hindi na virgin yang GF mo. (sorry sa term) kapag AGAPE Love ka, igagalang mo pa rin siya at mamahalin na parang wala pa siyang karanasana o sa madaling salita, ipaparamdam mo sa kanya na virgin pa siya kaya hindi mo siya gagalawin. (hindi mo siya rurumihan dahil sa nalinis na siya ni Christ nung pinako siya sa Krus.)

Agape Love is Pure Love. unlike sa Eros love. it is called romantic love pero hanggang dun lang yun. AGAPE love can be a romantic love pero mas pure dahil Way at will ni God ang sinusunod natin dito.

so kapag babae ka, at may nanliligaw sayo, kilalanin mo munang mabuti bago sagutin, kailangan AGAPE ang love niya sayo at hindi EROS.

hanapin mo sa kanya ang katangian na P.O.G.I.

yung lalakeng may Presence Of God Inside.

at sa mga lalake, ligawan at mahalin mo yung babaeng S.O.C.I.

may Spirit Of Christ Inside.

dapat takot kay God at alam ang batas ni God. Kasi kung walang takot kay God yan

asa ka pang matakot sayo yan. syempre walang takot kay God yan, malamang

mangaliwa yan, iwanan ka niyan, manyakin ka lang niyan, gawin kang sex slave o gawin kang alila.

Pero kung may takot at may presence ni God yan, siguradong mamahalin ka niyan ng Pure Love. hindi yan mambabae, lagi ka niyang papasayahin, lagi yan gagawa ng paraan para mapaligaya ka at mapagpasalamat kay God na siya ang pinili mo.

3. Storge - Love na Pang Pamilya, Magulang, mga Kapatid, kamag anak, pamangkin, anak.

4. Philia - Friendship Love - Love mo para sa kaibigan mo, kabarkada mo, kaklase, bestfriend at iba pa.

ang Love ay positive kasi ginawa yan ng Creator which is tinatawag nating God

para sa atin. ang Love ay pure Good. Kaya kung bitter ka, wag mong murahin ang pag-ibig. 

"And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in him." = 1 John 4:16

Kailangan kasi Una mong Mamahalin si God. kasi si God ang Creator ng Love at si God mismo ang Love kaya kung mamahalin mo muna siya bago ang lahat, ibibigay din niya sayo ang “Love” na Pure kaya ang mangyayari, matututo kang magmahal ng AGAPE love kasi meron ka na nun dahil binigay sayo ni God. kaya kapag nagmahal ka ng ibang tao, siguradong ang Pag ibig nyo ay panghabang buhay na ibi bless ni God sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa sakit at kalusugan at kaligayahan na walang hanggan.

Always Love Purely.

and God first before anyone else.

Social Mind Set (Educational System)

LOVE 202: THE POWER OF SOCIAL MINDSET. (Topic 1. Educational System.)

Ang Susunod na mahabang Sulat nananaman na ito ay hindi basta basta, binayaran ito ng kung hindi ako nagkakamali, mga 2,000 pesos nung tinuro ito ni Chinkee Tan. Kilalang Financial Expert at life Coach.

Pero para sa akin Libre lang. Pinagsama sama ko ang lahat ng idea’s thoughts at mga kwento pati na rin mga opinyon ng mga nakakausap ko at syempre pati na rin sa akin mismo. Ito ay Tungkol sa Kinalakihan natin at naitanim na sa Kaisipan natin mula pa nung tayo ay bata pa. Actually mula pa nung panahon ng kastila, Madalas na tayong i-mind set ng hindi tama. pero hanggang ngayon, tanggap na tanggap natin.

Hindi pa talaga tayo malaya sa Panahon ng tayo ay sinakop ng mga dayuhan hanggang ngayon kasi, isinasabuhay pa rin natin ang tradisyon nila.

POWER OF MIND SET. - napaka kritikal ng kinasanayan o tradisyonal na nalalaman natin sa lahat ng aspeto ng buhay natin. 

1. Panahon ng Kastila, Mina mindset na tayo na maging matiisin. naalala nyo itong kantang ito? “Bahay Kubo, KAHIT MUNTI, ang halaman doon…..” Sinanay nila tayo sa maliit. Pwede namang “Bahay Mansyon, Kahit MALAKI……”.

2. Ang Pambansang Bulaklak natin ay Sampaguita, maliit na bulaklak, bago pa ang agila, ang pambansang ibon natin noon ay Maya. maliit na ibon. at may Kasabihan tayo na” kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot diba pwedeng “kung maiksi ang kumot, bumili ng mas malaki.”? 

Sa totoo lang Hindi natin namamalayan na nagdedesisyon tayo ng hindi tayo nag aanalyze kung bakit yun ang desisyon natin. basta ang alam natin yun ang Tama.
bakit mo naisip na tama, kasi yun ang pinaniniwalaan mo. at bakit yun ang pinaniniwalaan mo, kasi yun ang Nakasanayan ng Environment.

Nakikigaya ka lang talaga hindi mo lang alam. Dati hindi ka naman nagyoyosi, pero dahil nag lahat ng barkada mo ay nagyoyosi, nakiyosi ka na rin. dati ayaw mo magfacebook, pero dahil uso ang facebook, naki facebook ka na rin.

Pinasok ng Kastila ang Educational System sa Pilipinas. 300 years silang nanatili dito sa pilipinas kaya tumanim talaga sa isip ng pinoy na kailangan nating Pumasok sa School para mag aral dahil kung hindi ka nakatapos ng pag aaral, wala kang mararating. Bakit ka nga ba Nag College? Para pag nakatapos ka makapag hanap ka ng Trabaho?

Guys sa totoo lang hindi yun ang main reason kung bakit ka nag College? Sabi ni Joseph Lim isang kilalang Businessman sa Pilipinas, Kaya ka Nag College dahil Nag high school ka. Kaya ka nag Highschool dahil nag elementary ka, kaya nag elementary dahil nag nursery ka at kaya ka nag nursery dahil In-enroll ka ng Mga magulang mo.
Kaya ka nila in-enroll dahil yun ang nakasanayang Turo sa kanila.

Ang School ay Negosyo, Wala kang Choice kundi pumasok sa school dahil ang madalas na kinukuha ng mga kumpanya para makapag trabaho sa kanila ay yung mga Graduate. dahil kung hindi ka nakatapos, madalas ang bagsak mo ay yung hindi mo gustong trabaho. yung hindi mo talaga pinangarap.

wala sa atin ang nangarap na gustong maging Janitor, Jeepney Driver, Security Guard, Sales Lady, Service Crew, Call Center Agent at iba pa.
Ang totoong pangarap talaga natin ay mamuhay sa lifestyle na gusto natin at hindi talaga makapag trabaho. Hindi Trabaho. kasi bakit ba kailangan magtrabaho? diba para kumita ng Pera? Para saan ang Pera? Para mabili ang Pangangailangan at Gusto sa buhay. Hindi ginawa ang pera para maka survive lang tayo. Ginawa yan para mabili ang mga bagay na kailangan at gusto natin.

Importante ba talaga na makatapos ka para guminhawa ang buhay mo?

Si Henry Sy, Grade 2 lang ang inabot. May Mga tauhan siya na Graduate at mga Cumlaude sa ibat ibang Departamento ng SM Nationwide. Magagaling yung mga yun, Cumlaude eh, ibig sabihin matalino talaga. Pero Ang boss nila, Grade 2.

Importante ba talaga na makatapos ka para guminhawa ang buhay mo?

Si Bill Gates, College Drop out pero 15 years naging pinaka mayaman sa buong mundo bago siya mag top 2 last 2010. Pero Drop out yun.

Importante ba talaga na makatapos ka para guminhawa ang buhay mo?

Pagtapos mong mag aral, wala namang paki alam yung School mo kung Makahanap ka ng Trabaho o hindi e diba? basta natapos ka. okay na yun.

16 years kang nag aral, nag invest, napagod, napagalitan para sa Diplomang inaasam. Pero para saan ba ang Diploma? Hindi naman pwedeng isanla yan kapag wala kang pambayad ng Kuryente. hindi ka naman bibigyan ng Pera ng Gobyerno para ipantayo mo ng sarili mong negosyo. Hind naman yan pwedeng ipambayad sa Ospital kung nasa emergency ang isa sa mga mahal mo sa buhay.

at hindi ka naman sure na makakakuha ka ng magandang trabaho agad kapag may diploma ka. It’s the reality of life guys. Sometimes we failed to analyze.

Im not against sa mga teachers, principal at sa school’s Imporante ang Learnings importante na marunong ka sa buhay at hindi ko sinasabi na magbulakbol ka sa pag aaral. ang point ko lang, Wag mong masyadong Career in ang lahat ng natutunan sa school. Hindi porket bumagsak ka sa isang subject, ay failure ka na.

Ang Success ay hindi mangayayari unless mag failed ka. FAIL is First Attempt In Learning. Kailangan mong Magkaroon ng Vision o Pangarap, at kailangan mong daanan ang Learning, Kailangan mong Sumubok at Importante ang Mag Failed ka.

Kahit naman kasi mga Teachers, Professor, hindi nila kayang ituro ang lahat ng subject e diba? tapos i eexpect nila na kailangan maging magaling tayong mga estudyante sa lahat ng subject nila?

Ayon sa Survey, Kinompyut (compute) lahat ng mga tycoons, Bosses, Businessmen ang mga Perang magagastos ng isang pamilya sa loob ng isang buwan. para makabili ng pangangailangan nila. Ang lumabas ay 10K to 12K a month.

kaya wag kang magtataka kung bakit kadalasan ang sweldo natin ay 10K to 12K a month.

sa totoo lang kulang na kulang yang 10k to 12k sa loob ng isang buwan para sa isang tao lamang. pero ang nangyayari, pagkakasyahin na yan ng buong pamilya sa loob ng isang buwan. kaya ang nangyayari, kailangan magtipid, hindi makabili ng tamang pagkain na may tamang nutrisyon ang mga anak, kaya lumalaking mahina ang pag iisip para hindi magkaroon ng idea na pwede nating maabot ang mga pangarap natin sa buhay ng hindi lang drawing. 10K to 12K atleast may trabaho. sa hirap ng buhay ngayon. at sa hirap makahanap ng trabaho. iga grab mo yun. kasi ang utak natin ay na mind set para lang mag survive. kasi yun ang itinuro sa atin. MAGTIIS.

na Mind Set tayo ng maliit kaya kapag nakakita ka ng malaking Kitaan, sasabog ang utak mo at iisipin mong Masama ang trabahong gagawin mo at kung hindi man masama, sobrang hirap. Kaya ayaw mong subukan.

LAW OF CREATING DESTINY

Love 202: Law of Creating Happiness (the power of you)

Pamagat din yan ng libro na sinulat ng maraming author, iba ibang version pero syempre libro sila at ito facebook lang at yung iba english ito tagalog.

syempre mula sa mga experts itong mga ito, sa mga libro, internet, at sa mga taong nakaranas na din ng mga ganitong experience. Hindi ito sarili ko lang opinyon o obserbasyon sa mga bagay bagay, syempre may basehan ako. Pati sa sarili kong karanansan natutunan ko din naman itong mga ito.

Gusto nyo bang maging masaya. Kung ikaw ay nalulungkot ngayon, dahil broken hearted ka o pakiramdam mo e failure ka o yung simpleng nalaman mong hindi ka pala masaya sa akalam mong magiging masaya ka. Siguro makakatulong ito sayo.

pero mangyayari yun kung iintindihin mo at i-a apply mo ito sa buhay mo.

Parang step by step sa pagmo move on. Matagal ang proseso ng pagmo move on

pero tol, kelangan mong pagdaanan ang unang stage ng pagmo move on.

LAW OF CREATING HAPPINESS.

Learn to Attract Happiness in your life.

1. Learn to Master your Thoughts and Emotion. : Alam mo na napaka laki ng epekto ng Kung anumang nararamdaman mo ngayon sa kinabukasan mo? Oo. tama sa eksaktong moment na ito, kung anuman ang nararamdaman mo ngayon magmamanifest yan sa magiging destiny mo. Kaya Wag na wag kang mag iisip ng anuman para ibaba ang self esteem mo dahil lang sa malungkot ka ngayon.

Napaka kritikal ng anumang iniisip mo ngayon na pwedeng maka apekto sa Emosyon mo. Bakit?

*your thoughts becomes your emotion. - kung mag iisip ka ng masama, magke create yun ng hindi magandang Feelings. dyan lalabas yung word na “tamang hinala.”

nagmumula kasi sa imagination o sa thoughts ang lahat ng bagay.

bago pa inimbento ang eruplano,telepono, t.v, cellphone o kung anuman, dumaan muna yan sa isip. Kaya bago ka pa maging WINNER, inisip mo munang magiging WINNER ka. Bago ka pa maging Looser, inisip mo munang magiging looser ka.

*If you believe in your feelings it will becomes your Action -  Kung nakakaramdam ka ng Selos, nagiging instant Agent ka, daig mo pa si detective conan at sherlock holmes. 

magta transform ka at parang gusto mong maging anino ng BF/Gf mo para lang tignan kung totoo ba ang nararamdaman mong hinala sa kanya.

Most of the Woman, believe na ang hinala nila o yung instinct nila ay laging tama.

pero sa totoo lang wala naman talagang basehan. ang naging basehan lang nila ay yung Environment sa paniniwala na ang women’s instinct never fails to analyze.

pero ginagalang ko yun. kasi hindi lang naman talaga instinct ang pinapagana nila, may kasamang logic yun. Be proud kung meron kang Girlfriend na ganyan. atleast alam mong bina value ka niya ng ganon ganon na lang. Pero ang Katotohanan,

ito ang kadalasan sumisira sa Relationship na inaalagaan ng dalawang magkarelasyon. LACK OF TRUST, are equal to Lack of Love.

Any Action Has an opposite and Equal reaction. - Isaac Newton.

What you give will you receive. kung anuman ang kinikilos mo yun ang matatanggap mo.

Do you Believe na Every Action Will Become Habit? - lalo na kung ang resulta ay talagang naka apekto sa feelings mo. Pansinin mo, kapag lagi kang nasasanay na matulog ng maaga, mapapansin mong alas 10 pa lang, antok na antok ka na.

at kung nasanay ka naman ng lagi kang puyat, parang nagsisimula pa lang dumilim ang ang langit kahit 11pm na ng gabi. bakit? kasi sanay ka.

Kapag nasasanay tayo na mag self pitty pagkatapos ng pagiging broken hearted, ayaw mo lang aminin pero nag eenjoy tayo sa nararamdaman nating kalungkutan.

Kung iyak ka ng iyak, after break up, okay lang yun. Pero kung a araw arawin mo yun,

eventually it will become your habit. Kasi dahil sa emosyonal ka, nagiging dependent ka na. Depende sa (ex) mo o sa sinumang taong may sala kaya kay ngayon nalulungkot.

Parang pagpe facebook, kung araw araw kang nagpe facebook, at bigla mong tinigil isang araw na mag facebook, hahanap hanapin mo ang pagpe facebook.
kaya mag ingat ka, hwag na wag kang masanay na maging malungkot.

Ang panget namang isipin na maging habit mo ang mag emote. at parang adik ka na sa pag e emo. Negative vibes yun at naba block ang blessing. (sabi yun ni Maya.)

Your Habit Determines your Character - Can you imagine na ang pagkakakilala sayo ng mga tao ay naka depende sa kung anong nakikita nilang laging ginagawa mo. kung ikaw yung taong tawa ng tawa at ngiti ng ngiti, ang tingin nila sayo ay masayahin. kung naging habit mo ang magbigay, ang description sayo ng mga tao ay generous.
At  kung ang description sayo ng tao malungkutin, ang tingin nila sa character mo ay ang pagiging malungkutin. Kasi nagrereflect sa pagkatao mo ang lahat ng gagawin mo sa buhay mo.

Your Character Leads to your Destiny. - Tadhana ang tagalog ng destiny. most of us, akala nila bigla na lang dumadating sa tao ang tadhana. pero ang totoo tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Kung ano ka ngayon, Depende yan sa ginagawa mo noon. at kung bakit mo ginagawa yun noon, depende sa iniisip, nararamdaman at pinaniniwalaan mo noon.

Kaya if you want to be a looser,  be a looser, walang pumipigil sayo.
isipin mong looser ka. at magiging looser ka. walang magic dun.

parang Genie in a bottle ang thoughts kahit anong hilingin mo, mngyayari basta inisip mo. Sa Law of Attraction, anuman ang iisipin mo, magkakatotoo.
what will you focus will expand. Pero magiging depende pa rin sa Actions mo araw araw. Your Success is hidden in your daily routine.


FAIL: First Attempt In Learning.

Last week ng October, Sembreak na pero yung ibang mga estudyante ay hindi pa nagbabakasyon. yung iba kasi nagkukumahog pa para maghabol sa Professor para magpapirma ng Clearance. at ito na ang panahon kung kelan nangingibabaw ang kapangyarihan ng mga Professor’s Teacher’s at mga College Dean dahil nagiging pa importante sila.

Ang nakaka badtrip pa dito mas matindi ang kapangyarihan nila kapag alam mo sa sarili mo na may bagsak kang subject. Kailangan mo silang lambingin pagkatapos nilang ipamukha sayo na “Bagsak ka” nag failed ka sa subject na tinuturo nila.

oppss teka huh, kung may makakabasa na mga Teacher, Principal, professor dito, eh sorry po, Opinyon ko lang po ito. Magreklamo na lang po kayo sa Baranggay tanod. Wag sa akin. at hindi po kayo ang tinutukoy ko, ang tinutukoy ko po ay yung maling Educational system at ang mind set na ginagawa sa amin ng School.

Ano ba kasing meron sa school?

Sa School kami nag aaral ng mga Academics. Dun kami natuto magsulat ang Alphabet, magbilang, magbasa, mag english ng konte at ipagmalaki ang sarili.
Sa school kami natuto na irespeto ang sarili at ang mga kaklase,
Sa school kami natuto mang asar, magka crush, mag kumpara ng mga magaganda/gwapo at mga panget.
sa school kami natuto kung paano mag isolate ng mga bobo sa matatalino.

nung grade 1 ako, nasa Row 4 ako. ibig sabihin isa ako sa mga mahihina ang ulo.
madalas na zero sa quiz, sa test at sa oral exam.
pero napunta din naman ako ng 3rd row, ibig sabihin tumaas ang level ng utak ko para sa teacher pero naging close ko na yung mga kaibigan ko sa 4th row.

sa 4th row, yung mga maiingay, yung mga laging pinapagalitan ng teacher at worst yung mga nababato ng sapatos kapag badtrip si Maam.

Parang nasa ibang dimensyon, pugad ng mga mga masasama.

bukod sa Row 1 hanggang row 4 na isolation sa klase.
Sa sistema ng school nung elementary, meron din tinatawag na Grouping of section. Pati sa Highschool, meron din niyan.

Section 1 yung tinatawag na Pilot section, yung section ng mga anak ng mga maharlikha at mga Genius. Lahat sila malilinis, gwapo at magaganda, magagaling lahat sa english, math, science at sa lahat ng subjects. Lahat sila ay sikat lalo na yung tinuturing na mga pinaka matatalino. nape predict na ng mga teacher na magiging successful silang magkakaklase.

yung last section naman yung tinuturing na pinaka worst na section. mga pinaka bobo sa lahat. Mga suspect sa pag atake ng puso ng matandang teacher. mga suspect sa Vandalism o yung mga sulat sulat sa pader ng school. sila yung laging pinaka maingay, laging absent, laging nasasangkot sa mga away at nape predict na ng mga teacher na isa sa kanila ay magiging Kriminal, makukulong at yung mga babae e maaga magbubuntis.

Sa School Pina punish ang lahat ng pagkakamali ng isang batang estudyante.
Kapag Perfect ang isang estudyante sa exam’s niya, Papalakpakan, Babatiin, at bibigyan ng recognition. at sasabihin sa kanya ng butihing guro na “congratulation’s dahil Perfect ka.” at ipagmamalaki sa mga kaklase ng bata at sasabihing “tularan nyo siya. Magigng Successful siya paglaki niya.”

Pero yung Isa lang ang tama, o yung naka zero sa test, hindi papansinin o kaya, lalaitin pa. pagtatawanan na ng mga kaklase niya sa school, pag uwi ng bahay pagagalitan pa siya ng mga magulang niya. In short bumababa ang Self esteem ng bata dahil nagkaroon na ng pagkukumpara ng sarili sa iba.

ang worst, kapag pinagalitan siya, eto ang mga salitang maririnig niya. “BOBO, WAG KA NANG MAG ARAL, SINASAYANG MO LANG YUNG PERANG BINABAON MO AT YUNG PINAGPAPA ARAL KO SAYO!!!!”

hindi ba masakit sa part ng bata yun?

alam kong sasabihin nyo na kailangan malaman ng bata kung saan siya nagkamali para magpursigi na. mabuti sana kung lahat ng bata ganon pero paano naman yung iba?

hindi ba mas maganda kung ganito ang sasabihin salita sa nag failed o bumagsak?
"Congrats, ang galing mo naka 75 ka." o kaya "ang galing mo pinefect mo yung number one sa test."

O kaya ganito. “para sa amin anak, ikaw ang first honor.”

Para sa akin kasi ang kailangan ng bata para mag excel ay palakasin ang self esteem niya.

Imagine, nag aaral kami ng 16 to 18 years sa school after that wala naman kaming assurance na magkakaroon kami ng income na stable. Wala nang paki alam ang mga teacher kung makahanap ng trabaho o hindi.

Pero ginapang ng mga magulang natin yung pag aaral natin. kung iku compute lahat ng mga ginastos natin mula nursery hanggang pagkatapos ng college, halos 500 thousand to 1 million pesos o mas mataas pa ang perang nilabas natin.

Wala namang reklamo, mahirap din naman ang pinagdaanan namin para lang makatapos sa ng pag aaral. 

Kaya wag sana mag judge at iwasan na yung mga pagkukumpara ng estudyante.
mag ingat tayo sa sasabihin natin sa mga batang tinuturuan natin.
iwasan natin magkumpara ng pinakamagagaling sa pinaka bobo.

Lahat tayo pantay pantay na pinakamagagaling.

FAIL means First Attempt In Learning - kapag nag fail ang isang tao, nasa learning stage pa siya. at alam naman natin na sa buhay natin hindi dapat tayo tumigil sa pag aaral.

So kung sa tingin mo nag fail ka, bumagsak ka, isa lang ang ibig sabihin nyan,
Na PERFECT mo na yung Test number 1.

Hindi ka Failure, Excuses lang yan para hindi ka na ulit mag try.
wag kang tamad. 



 

Your future depends in your Environment.

Naniniwala ka ba na Kung ano ka ngayon ay RESULTA ng mga bagay na ginawa mo noon? walang sisihan. ikaw lang ang gumawa sa sarili mo.

Pero Depende sa Proseso. - may proseso ang lahat ng bagay sa mundo.
example. Bago pa maging Butterfly e dumadaan muna sa proseso ang Caterpillar.
Bago pa maging baby ang tao. dumadaan din yan sa proseso. Ano muna tapos sa loob ng tiyan ng babae 9 buwan na may prosesong nangyayari. basta.
at syempre ang Resulta nung kalandian - kundi Baby, Broken hearted ka. 

RESULT: 
1. Kung sakaling ikaw ay Broken hearted, kasi iniwan ka ng syota mo, two timer pala yung bf mo at niloko ka. Kasalanan mo yan, kasi sinagot mo agad eh. niligawan ka lang, minadali mo naman agad sagutin. Kung lalake ka naman at ganon din ginawa sayo ng GF, kasalanan mo din yan… Niligawan mo eh.

2. Kung halos mamamatay ka na sa kaka ubo dahil sa yosi, kasalanan mo pa rin yan, adik ka e.

3. Kung tinakwil ka ng tatay mo dahil bagsak ka at nalamang hindi ka naman pala pumapasok sa school, kasalanan mo yan… Walang ibang dapat sisihin, ikaw lang.

4. Kung Mataas ang Profession mo sa Trabaho, CEO ka ng sarili mong kumpanya, kasalanan mo pa rin yan. Masigasig kang buoin ang pangarap mo e.

5. kung cumlaude ka sa school niya, natural, aral ka ng aral e.

6. Kung Ikakasal ka na sa taong mahal mo, natural lang din. Minahal at nagtiwala ka sa kanya e.

Lahat ng Resulta na tinatamasa mo ngayon ay depende sa kung ano ang ginawa mong Aksyon.

ACTION:

Tulad na nung Sinabi ko sa Intro ang Resulta ng mga bagay na meron ka ngayon ay depende sa Ginawa mo, Aksyon mo. Hindi naman pwede na magkaroon ka na lang bigla ng 10,000 pesos a month kung hindi ka naman nagta trabaho.

hindi ka naman siguro tataba ng ganyan kung hindi ka kain nang kain, tulog nang tulog at hindi naman siguro gaganda ang katawan mo kung hindi ka nagwo work out o nagi gym.

siguro kung hindi ka PBB teens, hindi ka mabub… 

Kung may ginagawa ka nga pero Hindi naman naaayon sa tama, may resulta pa din yun pero mali nga lang. Halimbawa, May Bf/GF ka, mahal na mahal mo, pero tamang hinala ka naman lagi, wala kang tiwala sa kanya, tapos ang gusto mo lang kapag nakikita mo siya maglalambing lang siya sayo. Malamang Mawala siya sayo. bakit? Kasi sarili mo lang iniintindi mo.

Sa Relationship ulit. Kapag wala kang time sa Gf/ BF mo, dahil mas gusto mong mag DOTA na lang kesa sa bigyan siya ng oras, imposibleng mag work out ang relationship nyo.

Sa Financial ganon din, kapag gastos ka ng gastos, hindi ka nagtitipid at nag iipon malamang maka cut ang budget mo tapos ang resulta ay “Utang” Ang bayad sa kinsenas o kaya katapusan.

Depende sa ginagawa mo kung bakit ka nang kaka ganyan.
pero bakit mo ginagawa yan? Kasi yun yung INIISIP mo

THINKING: Kung anumang iniisip mo, yun yung magiging Aksyon mo.
May mga bagay na dahil iniisip mong hindi mo kaya, hindi mo gagawin.
at may mga bagay na dahil iniisip mong kaya mo, gagawin mo, kahit anumang mangyari. Kapag sinabi mo sa sarili mo at iniisip mong hindi mo isusuko, gagawa ka ng paraan.

may example din para mas lalong maintindihan.

Kapag inisip mong may ibang nilalandi o nililigawan ang syota mo, ang sunod nun is Action, magmamaldita ka o kaya susugurin mo ang syota mo at makikipagbreak ka.
Kahit Wala naman talaga. tapos ang resulta. nganga ay hindi pala, Ngawa!!!

Kapag umuulan ng malakas, at inisip mong walang pasok, hindi ka papasok tapos meron nalaman mong meron pala, tapos nag exam pala kayo at namigay ng tigwa 100 pesos yung teacher mo kasi nanalo siya sa ending ng basketball kagabi. Sayang yun.

Kaya Nagmumula sa iniisip mo ang Gagawin mo at kung ano ang gagawin mo may kalakip na resulta.

Pero Bakit mo ba iniisip yun? Malamang kasi, yun yung PINANINIWALAAN MO.

BELIEF : Kung anumang bagay na pinaniniwalaan mo ay magmamanifest sa kung ano ka ngayon.

Mga Pamahiin: Sa kasal daw, bawal daw magsabay sa parehong taon ang magkapatid na magpakasal sa kani kanilang mga kasintahan dahil may mangyayari daw na masama, sukob daw yun. 

Kapag may naglalakad ka sa daan at may nakasalubong kang Itim na pusa, wag ka na daw tumuloy, kahit limang hakbang na lang e nasa bahay nyo ka na.

O sige, hindi pamahiin, Kapag naniniwala ka na Mahirap ang Math, Hindi ka na sisipagin na mag aral ng math. tatamarin ka na kasi.

Kapag naniniwala ka na yayaman ka, yayaman ka. kasi gagawa ka ng paraan para yumaman.

kapag naniniwala ka na magkakaroon ka ng Best love life, mangyayari sayo yun.
Kasi yun yung Paniniwala mo, yun ang iisipin mo, yung ang gagawin mo at yun ang mangyayari sayo.

Kahit hindi pa sabihin ng mga tao sa paligid mo na imposible, kapag naniwala ka talaga, magiging Posible lahat ng yun.

kahit na friendzone ka, kapag naniwala kang mamahalin ka din ng taong mahal mo, mamahalin ka niya.

Kahit pa sinabi ng mga tao sa magkapatid na Wright na hindi lilipad ang Bakal, pero naniwala sila at nag isip sila ng paraan para magawa yun at ginawa nila kahit ilang beses silang nabibigo. Pero hindi sila sumuko at ngayon meron na tayong Eruplano.

Walang imposible kapag buong buo ang paniniwala mo, ang tawag dun ay “FAITH”

Now faith is being sure of what we hope for and certain of what we do not see.
Hebrews 11:1

Kahit hindi mo pa nakikita ang magiging resulta, kahit unsure ka sa mga pwedeng mangyari sayo, kapag pinaniwalaan mo, yun at yun ang mangyayari sayo.

Pero Bakit yun ang pinaniniwalaan mo?
Kasi yun ang Environment mo?

ENVIRONMENT: Hindi tayo makakapili kung saan tayo ipapanganak o kung anong environment ng lugar kung saan tayo ipapanganak pero paglaki natin, dun na tayo pwedeng pumili kung saan at kanino tayo sasama.

YOUR FUTURE DEPENDS on your Environment sabi ko nga nung una.

Kapag sumama ka sa mga “EMO” magiging Emo ka.
bakit? kasi naniwala ka na Cool ang mga EMO, at inisip mong maging Emo na rin kaya ka bumili ng mga damit na pang emo kaya ka naging EMO.

ganon din kapag gusto mong maging matalino, Sumama ka sa mga mahihilig mag aral, syempre mahihilig ka din mag aral. mahahawa ka eh.

Kapag sumama ka sa mga Tsismosa at walang ibang alam gawin kundi ang magkwento, manira ng tao sa pamamagitan ng tsismis, malamang kahit hindi mo gawain ito, magiging ganon ka din.

Kapag sumama ka sa mga Religious group o mga maka Diyos, magiging maka Diyos ka na din,

Kapag sumama ka sa mga taong gustong umasenso, yun ang paniniwalaan mo at yun ang iisipin mo at yun ang gagawin mo kaya yun ang mangyayari sayo.

Kapag Sumama ka sa mga barkadahang insecure sa lovelife at alam mo nang “Jerk”, “Playboy” na lalake ang BF mo kaya ka maniniwala na playboy siya kaya iisipin mong lolokohin ka lang niya at kapag inisip mo, masisira na ulo mo at kung ano ano nang gagawin mong pang iimbestiga para lang mahuli kung nambababae ba siya o nanlalake o nagdo dota lang kaya ang resulta, mawawalan ka ng tiwala sa kanya at magbe break kayo.

Kasi Kung ano ang Environment mo, yun ang paniniwalaan mo,
Kung ano ang Pinaniniwalaan mo yun ang IISIPIN MO
Kung ano ang Iniisip mo, yun ang GAGAWIN MO.
at Kung ano ang GAGAWIN MO, yun ang magiging RESULTA.

BAKIT TAKOT ANG PILIPINO SA NETWORKING?

Bakit Negative ang mga tao pag pinag uusapn is Net working?

Kasi sa Networking ang madalas na pinag uusapan ay kung paano ka kikita ng Malaki (5 digits to 6 digits) na Income per month.

Isipin mo ba naman, yayayain ka ng kaibigan mo o isang dating kaibigan na matagal nang nawala sa buhay mo pero bigla kang kinamusta tapos aalukin ka sa isang negosyo o pagkakakitaan na pwede kayong kumita ng 100,000 to 1,000,000 a month.

Anong magiging reaksyon nung taong yun? syempre hindi maniniwala.
Lalong lalo na yung nakaka kilala sayo. Pamilya mo, Kaibigan mo, Barkada mo, kamag anak at ka relasyon mo. 

kasi ang Pilipino Mind set ay nabuo mula nung bata ka pa.

Kailangan Mag aral ng maigi, makatapos ng pag aaral para pagka graduate natin, makahanap tayo ng matinong trabaho Para kumita tayo ng Pera.

mas makatotohanan kasi pakinggan kung magkakaroon ka ng kikitaing pera sa loob ng isang buwan na may halagang P10,000.00 to P30,000.00 depende sa profession mo.

pero sa mga sweldong ito, yung mga basic needs lang talaga yung pwedeng mabili o matugunan. Clothing, Pambayd ng Bills, Load, Pagkain, Gasul, Pamasahe, Allowance ng anak, pamangkin, pambili ng groceries, Tuittiion fee, pambayad sa inuupahang bahay kung nangugupahan man Project sa school etc…

tapos sa sweldong yan, may naisisingit pa tayong pambili ng mga “WANTS” - Cellphone, Ipad, Bike, hulog hulugan na motor, Pang Date at regalo sa nililigawan o sa GF/BF para sa monthsary, Pang inom, pang dota, Bday Celebration,
design sa bahay, T.V na Flatscreen kasi ganun na yung uso, Cable t.v para makapanood ng HBO, Cartoon network at Cinemaone etc.

Tapos ang nangyayari, Hindi na tayo nakakapag ipon. nagkaka utang pa tayo sa ibang tao o sa kumpanyang pinagtatrabahuhan natin.
Minsan naiisip nating kulang na kulang talaga ang kinikita natin buwan buwan para isipin pa yung pangarap natin na magkaroon ng sariling bahay at lupa, yung maganda at magarang kotse. Wala na yun.

kasi kalokohan na kung iisipin mong magkakaroon ka ng ganon, ang pag asa na lang natin Tumaya tayo sa lotto o kaya wala nang choice, kundi mag abroad na lang.

Kasi Takot tayong tumawid sa kabilang side ng buhay. kasi ang tingin natin, hindi natin kaya yung ganon. ano yun? Yung rich Side ng buhay.

Bakit Marami namang tao ang mayayaman o yung mga dating mahirap na biglang yumayaman?

Ang idea kasi natin sa mga yumayaman na katulad nila e talagang masisipag lang pero tayo din naman kahit anong sipag natin, kahit tatlo tatlo pa trabaho natin sa abroad, at the end of the day, hindi pa rin sapat yung pera natin sa bangko para makaabot tayo sa idea na mayaman tayo.

Ang Electric Bill sa MOA (mall of asia) sa loob ng isang buwan ay pumapalo ng 8M pataas. (isang SM pa lang yun.) e kalat ang SM Nationwide.

Kung si Henry Sy ang ALukin mo ng trabaho at sabihin mo sa kanya na pwede siyang kumita ng 100,000 to 1,000,000 a month, baka tadjakan ka pa nun.

Kasi yung mga kilalang mayayaman tulad nila Henry sy, Lucio tan etc.
na e naturuan sila o na mindset sila na kaya talagang Kitain o magkaroon ka ng Savings na 10 Billion.

Eh anong pagkakaiba natin sa kanila? Tao din naman sila, parehas lang naman ang design ng utak nila sa utak natin?

Kasi Sila, hindi sila takot malugi sa umpisa. hindi sila natatakot mag fail at willing sila matuto ng matuto. willing silang bumangon nag fail na.
determinado silang maging mayaman o manatiling mayaman.

Professionalsm ba talaga ang sagot? kailangan ba talagang pinanganak kang Genius tulad nila Bill Gates, Mark Zuckerburg para maging milyonaryo? Hindi, ang kailangan mo lang naman talaga ay maging Open minded sa mga opportunity. Umalis sa Comfort zone at willing matuto at determinadong umasenso.

kasi hindi naman pinangak ang mga tao na nakaregister na sa opisina ng city hall o NSO na magiging mayaman siya e…

ganon ba yun? si mark zuckerburg ba nung pinanganak, sabi ba sa kanya ng doktor na nagpa anak sa nanay niya na “magiging ceo ito ng facebook paglaki.” Sabi nurse “anong facebook dok?”

Ang lahat kasi ay natutunan. napag aaralan. Sinasanay. pinagpapraktisan. dinedesisyunan.

So takot ang mga Tao sa Networking kasi marami na ang nag Failed.
hindi daw kumita. Nakinig sila sa mga taong Hindi kumikita sa ganitong klaseng Business. Mas nakikinig sila sa narinig nila at pumasok na sa utak nila na ang NETWORKING ay SCAM pero hindi naman talaga nila totally alam kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.

Walang Nagpe Failed sa NETWORKING, pero madaming nagku Quit kasi, AYAW MALUGI, TAKOT UMALIS SA COMFORT ZONE, at NAAAKIT AGAD SA MADALIANG KITA.

Takot ang tao sa networking kasi, sa networking, aminin na natin na kapag na invite ka sa networking e meron itong “PUHUNAN” pero sa mga sarado ang isip ang tawag nila dito ay “BAYAD” 

para sa mga taong negative talaga sa Networking ang tawag nila dito ay “SCAM” 

"ay yan yung recruit recruit tapos, harap hrapan ka nilang hoholdapin pero maganda yung mga sinasabi nila kaya mapapa payag ka ng hindi mo namamalayan."

ang tawag naman ng iba dito na hypnotize, na gayuma o kung anumang black magic ang naiisip nila. Kasi ang feeling nila, nauuto sila na magbayad sa kanila at sumali.”

Yung iba, kaya ayaw ng Networking e Nahihiyang Mang invite o kasi ang tawag nila sa invite e “RECRUIT” kasi merong mga Terms na napapanood sa t.v tungkol sa mga “illegal recruiter” kaya ang tingin nila sa salitang “recruit” ay paaasahin pero lolokohin lang naman.

Pero ang talagang Iniilgaan ng mga tao sa Networking e yung “BAYAD” “peperahan lang kayo niyan. Yung mga nauna lang yung kikita diyan.”

Yung iba naman, ang Hanap nila talaga ay Trabaho.
"KAYA NGA KAMI NAGHAHANAP NG TRABAHO KASI WALA KAMING PERA EH." TAPOS HIHINGAN NYO KAMI NG PERA?" "WHAT THE HELL?!"

Pero Hindi nila naisip na kahit magtrabaho sila as employee, Call Center, Crew, Office Staff, Messenger o kahit ano pa, bago sila makapasok e namumuhunan din naman talaga sila e.

May bayad ang medical, after 6 months, kapag naghahanap ka ng bagng work kasi kadalasan contractual ang trabaho e., Panibagong Medical nanaman. Mga Clearance, NBI, POLICE, BARANGAY, Phil Health, SSS, PAG IBIG, NSO Authenticated birth certificate, lahat naman ng yun gagastusan mo ng pera e… pamasahe mo pa., pang load mo pa, pagkain, pambili ng Formal o semi formal na attire, pampa print ng sandamakmak na resume etc…

To cut the long story short… Gagastos ka din talaga.
Para saan, Para sa P10,000.00 a month.

I’m not saying na masama ang maging empleyado, okay lang yan.
kaya lang hindi rin talaga kakasya para tugunan ang pangarap.

Lalo na kung Madami kang anak. paano mo mapag aaral ang lahat ng anak mo o mapapakain man lang tatlong beses isang araw kung kulang na kulang yung kinikita mo sa loob ng isang buwan.

eh paano kung nagkasakit ka at hindi mo na kayang magtrabaho, anong gagawin mo? pipilitin mo pa rin ang sarili mong magtrabaho kahit halos mamamatay ka na para lang mabuhay ang mga anak mo.

eh paano kung namatay ka na, kawawa naman yung mga anak mo.
ano na lang mangyayari sa kanila?

ang mangyayari nyan, magagalit tayo sa Gobyerno at sila yung sisihin natin pero hindi muna natin pinapansin yung sarili nating kapalpakan.

Kahit naman mangurakot lahat ng politiko sa pilipinas, bakit sila lucio tan, gokongwei, henry sy, payaman pa din ng payaman?… 

sisishin pa natin yung mga magulang natin kasi hindi nila tayo pinag aral. sisihin natin yung mga teacher natin kasi, ang panget nila magturo. kaya tayo mahirap.

hindi natin alam na nagiging habit na natin ang manisi ng manisi kapag hindi natin trip ang nangyayari sa buhay natin. imbis na gumawa ng paraan, ang gagawin natin manisi…

Kaya ang Mind set natin ay pangmahirap. pang 10,000 a month lang talaga.

pang OFW (im not against OFW) pero ginagawa tayong alipin sa ibang bansa kasi masisipag tayo magtrabaho para sa pera.

tapos dito sa Pilipinas, ang mga Amo natin “CHINESE” Pinoy tayo ah, pero sa Pilipinas alipin tayo ng mga “CHINESE.”

WHY GIVE UP? STORY OF FAILURE AND SUCCESS #1



Year 1834 pingangak si Samuel Langley at nung bata pa siya gustong gusto niya talaga magkaroon ng ability para lumipad. inggit na inggit sa Ibon ang lokong batang ito.
Pero paano yun e sa panahong ito, kahit yung Bisekleta e hindi pa naiimbento.

Pero Determinado ang batang ito. Nag aral siya ng maigi.
Naging matalino siya. Sobrang Talino.

1898 si Pro

fessor Samuel Langley ay Kinilalang isa sa mga pinaka nirerespetong Scientist nung panahon niya. Binigyan siya ng Award na $50,000 para buoin ang pangarap niya. yun ay ang makalipad.

at Dahil Respetadong respetado at Madaming Nakaka alam na matalino siyang tao
Nung Oras na sinabi niyang Buo na yung Machine na pwedeng lumipad.
Sobrang daming tao ang nag abang para panoorin ang ang unang paglipad ni Langley sa Ere.

Ang Makina ay tinatawag ni Langley na “THE GREAT AERODROME” at Ang lahat ng tao at lalong lalo na si Langley ay sabik na sabik na Makita na nagtagumpay na siya na mapalipad ang kanyang imbensyon. Gagawa siya ng Himala, ang Imposible ay gagawin niyang posible……. Pero……
.
.
.
.
Pero Bumagsak at nasira ang “THE GREAT AERODROME”… nagkagulo ang mga tao…
at yung iba ay nawalan ng tiwala kay Langley. May Mga nagsabi sa kanya sa Imposible Talaga yung iniisip niya. Kasi ang Bakal Hindi Lilipad. 

Hanggang sa Masira ang Loob ni Langley, Sumuko siya. at ni minsan hindi na niya ulit pinangarap o tinangka na buoin ang pangarap niyang makalipad.

Hanggang sa Namatay siyang Hindi niya naabot yung pangarap niya.
.
.
.
Hanggang sa May Dalawang Magkapatid na Highschool Drop outs ang nagtangka din na ipagpatuloy ang naiwang trip ni Samuel Langley.
ito sila Wilbur Wright at si Orville Wright.

May kakaunti silang Budget para gumawa ng machine na katulad ng kay Langley.
Kaya lang ganon din nang nangyayari sa machine nila. Lipad konti„ bagsak…
bagsak, bagsakt ulit.. subok nanaman.. bagsak ulit… subok nanaman, bagsak ulit…
Paulit ulit lang silang bumabagsak.

Madami nang taong tinuturing na Nagda drugs yung magkapatid dahil gustong maging high na literal. e alam naman daw nila na Imposible pa sa imposible ang makalipad ang Bakal… siyempre, bakal yun babagsak yun.

Si Samuel Langley nga na Profesor at sobrang Talino e hindi nagawang mapalipad yung Machine e sila pa na Highschool drop outs lang? imposible!!!

Pero Hindi… Talagang matigas ang ulo ng magkapatid. Subok pa rin, Bagsak nanaman.
at Kada bagsak nila, inaalam nila kung ano ang mali tapos adjust sila.

Hanggang Dumating ang December 1903, Napalipad nila ang kauna unahan nilang Machine na hindi bumagsak. naimbento ang Eruplano.

Nga nga ang lahat ng taong nakakita… Inggit sila.

Si Samuel Langley, Nangarap - Sinubukan - bumagsak - Sumuko.
Sila Wilbur at Orville Wright , Nangarap din, Sinubukan din, Bumagsak din pero hindi sumuko, sumubok ulit, bumagsak nanaman, paulit ulit pero hindi talaga sumusuko hanggang sa Magtagumpay.

Kaya Wag kang susuko tol. Kung hindi mo kukunin yung pangarap mo, iba kukuha niyan… Bahala ka.

Kung gusto mong lumipad, kailangan mong maging handang bumagsak!!!

Konting Tiis lang.

TIPID TIPID MUNA: TIIS TIIS LANG:

Likas Talaga sa ating mga Pinoy ang maging mapagmahal.
dala- dalawa syota?, inaasawa?, dala dalawa o paramihan ng crush?

bukod sa iniibig, hindi natin napapansin na talagang mapagmahal talaga tayo. bakit?

Mahal ang Bill ng Kuryente, ng tubig, telepono, ng internet, ng cable tv at ng kung ano ano pa. Basta Lahat mahal.

Mahal ang Gulay, mahal ang pamasahe, mahal, Prutas, mahal ang karne, Mahal ang baboy, baka, hayop at kung ano ano pang manok.

Tapos angal tayo ng angal, protesta tayo ng protesta, kasi ang baba ng sahod. ang baba ng sweldo. 

Reklamo tayo ng reklamo kasi Tumataas na ang Presyo ng Gasolina. Wala ka namang kotse.

Angal ka ng Angal kasi hindi mo mapagkasya ang sinahod mo sa loob ng isang buwan na P10,000.00 (Sampung libong Piso.) 

at mababadtrip ka pa sa gobyerno, kasi no choice ka para magtipid at mabuhay pero yung cellphone mo touch screen, nakakapag tabi ka pa para sa pambili mo ng ipad2 para lang makapaglaro ng temple run.

Reklamo ka ng reklamo kasi araw araw ang ulam nyo, sardinas, tuyo at minsan nagdidildil na lang kayo ng Asin, pero ang T.V nyo Flatscreen, may Laptop ka pa na may halagang 18K.

pinag ipunan mo yun. nagtiis ka sa gutom para lang mabili mo yun.

eh may Girlfriend ka pang Tatlo, sa loob ng isang buwan dine date mo pa sila. patay na!!! gastos nanaman.

Kaya bilib na bilib talaga ang buong mundo sa galing ng pinoy e, maablilidad. pilit na pagkakasyahin ang kakarampot sa kinikita sa pagiging empleyado.

Sabi ni Mang Efren isag Jeepney Driver sa anak niya, “Anak, Konting tiis lang balang araw e gaganda din ang buhay natin.

Sabi naman ng Asawa niya sa anak nila, “anak, igagapang namin ang pag aaral mo, kaya ang tatay mo, Jeepney Driver sa Umaga, Balot Vendor sa Gabi, Lasingero sa hapon.”

"kaya anak, Mag aral ka ng maigi, para pagka graduate mo ng highschool e pwede ka nang maghanap ng mapapasukan, para makatulong ka amin ng tatay mo.

- yung isang pamilya naman isang mag asawa na may Sampung anak, Yung panganay, ikalawang anak at ikatlong anak, ayaw mag aral, gusto magtrabaho na.

- yung tatay nila, masipag, Security guard sa isang bangko at yung asawa niya e dating valedictorian nung siya ay highschool pa.

nang dahil sa pag ibig……… (naks!!!)

natutong magtiis ang valedictorian na batang babaeng ito at sumama sa kanyang gwapong gwapong dancer na basketball player na boyfriend.

Tapos ngayon magkalive in na sila, Sampung anak na ang babata pa. nakakapag aral nga pero hanggang grade 6 lang ang inaabot nila.

ayaw na mag aral ulit kasi over age na, nahihiya na.

Pati yung edukasyon ng anak nila tinipd. DAHIL SA PAG IBIG.

— si Rogelio, isang Crew sa isang Fastfood na malaking bubuyog at yung bestfriend niyang si Marvin na Ayaw magtrabaho dahil sa sobrang katamaran.

—magkababata sila, sabay grumaduate ng Highschool pagkatapos nun, hindi na nagcollege ang mag bestfriend. Sa loob ng Tatlong Taon na tambay si Marvin at service crew si Rogelio, Parehas din silang walang ipon. walang pera…

Mas lamang pa si Marvin kasi siya HINDI PAGOD.

Yung isa walang pangarap. hindi nagtrabaho kaya hindi natupad.
yung isa naman may pangarap, nagtrabaho, pero hindi rin natupad yung pangarap niya.

Malabong malabo na nga ba talaga Tuparin ang pangarap?
Hanggang kelan ba talaga tayo magtitiis sa ganitong estado ng buhay?

Paano aasenso Wag na tayong maging maluho. 
wag nang bumii ng Ipad ng laptop at kung ano ano pang gadget.
maging ignorante na lang tayo pagdating sa mga gadget.

kaya lang mapipigilan mo pa yung mga taong gustong guston magkaroon ng mga ganito? lalo na yung mga taong Techie?

So tiis tiis lang tapos tipd tipid muna.. konting pasensya anak.
kaya nga lang hanggang kelan ka magtitiis.

"okay lang ang pagtitiis kung alam mong mag mabuting maidudulot naman ito sa dulo." - Lourd de veyra.

Pero Kung talagang Kuntento ka na sa ganyan…. 

SIGE LANG KONTING TIIS LANG….. Habang buhay!!!

Hindi Hadlang ang kahirapan sa pag abot sa Pangarap.

Mag aaral ka 17 years… mag iinvest ka ng tuittion fee. (pera)

magbabayad ka sa project (pera) magbabayad ka para sa mga Field Trip (Pera nanaman) at kung anu ano pang mga binabayaran sa school.

Pagka Graduate natin, Anong hanap natin? Trabaho.

Para saan? Para sa Pera.

pag maghahanap tayo ng trabaho, kailangan natin ng budget para sa mga requirements… NBI Clearance, Police Clearance, Medical, Phil Health, SSS, BIR, 

Pag-ibig at kung ano ano pa… Hindi natin namamalayan, nag iinvest pa rin tayo ng PERA bago tayo makapasok sa trabaho.

Kapag minalas malas ka at hindi ka pasado sa Medical, dahil may tatto ka sa likod ng tenga mo, may hikaw ka sa ilong at sa dila at punong puno ng Usok ang Baga mo, Hindi ka bibgyan ng karapatan na magtrabaho dahil hindi ka “FIT TO WORK” or “STRICT ANG COMPANY.” o kaya “BAROK KANG MAG ENGLISH.” o kaya “BOBO KA SA MICROSOFT WORD.” magaling ka lang sa tetris at dota.

May Discrimination agad. 

Tapos uusisain ng maigi ang resume mo.

porket wala ka pang working experience, porket wala kang mailagay na objectives na maganda (e kinopya mo lang naman yun sa iba.)

Tapos naghahanap sila ng with “pleasing personality”

eh ang pagkakaintindi ng mga ilang porsyento ng mga pinoy e “dapat maganda o pogi yun.” 

eh ikaw, kahit sobrang sipag mo naman, hindi ka Pogi… Patay na!!!

Tapos ang ganda ganda ng suot mo.. presentableng presentable.. confindent na confident ka kasi Gwapo ka / maganda ka… tapos pinag english ka. di ka nakasagot ng maayos.. tsk tsk…

Interviewer: “If you were invisible for one day, what are the crazy things you should do?”

Applicant: “uh… can repeat sir?”

Interviewer: “I said If you were invisible for one day, what are the crazy things you should do?”

Applicant: Well if i am invisible for one day.. uhmm.. umm.. i will go to….

i will go to Mall of Asia, Because i never been there.

Tapos Pagtatawanan ka… Kawawa ka naman, mangliliit ka. Mababawasan ang confident level mo dahil sa discrimination.

Paano yan kung Hindi ka Gwapo/Maganda, Mahina ka sa Academics, sa pag eenglish, at kulang sa working experience… Ang alam mo lang e magkatulong.

Pagiging kasambahay na lang ba talaga ang mangyayari sayo habang buhay?

Pwede naman na hindi e….

bakit?

kasi dahil sa Mind Set.

Tulad nung bata pa tayo, kapag napunta tayo sa kwartong madilim, iiyak tayo ng malakas… kasi na-mindset tayo na may mumu dun sa kwartong madilim kahit wala naman talagang dapat ikatakot.

Ganun yung Mind Setting, Kapag nasanay ka sa Ideya na hanggang ganyan ka na lang, Talagang hanggang ganyan ka na lang. hindi mo alam na pwede kang maging kasing yaman ni Henry Sy, Maging Kasing Ganda ni Ann Curtis, na maging kasing Gwapo namin ni Daniel Padilla o Coco Martin.

Na Mind Set tayo na yung mga nakatapos lang ng pag aaral ang pwedeng umangat sa buhay.

Si Walt Disney - oo yun nga. hindi naka pag College yun.

Si Steve Jobs - oo brad yung may founder ngg Apple yung may pakana ng ipad na kinababaliwan mo, Hindi nakataposs ng Pag aaral yun.. Hindi yun nag College.

SI Bill Gates - Tama.. Yung isa sa mga Pinaka Mayaman na tao sa Buong mundo e hindi tapos ng pag aaral.

Si Mark Zuckerberg  - Oo sya nga, yung founder ng Facebook.. Hind siya tapos ng School.

Madami pa sila…

Madami pa sila…

Pero di ko sinasabi na Itigil na ang pag aaral hehehe… Hanggat kaya mo at kaya ng magulang mo o kung sinumang nagpapa aral sayo, Mag aral ka ng maigi.

Pero kung iniisip mo na dahil hindi ka nakapagtapos ng pag aaral o hindi ka man lang nakatuntong ng High School e Wala ka nang pag asang umangat ang buhay… NAGKAKAMALI KA!!! MALING MALI… SOBRANG MALI…

Hindi mo kailangan tayaan ang lahat ng Kumbinasyon sa Lotto o Mangibang bansa para lang umangat sa buhay. Hindi mo kailangan magnakaw, magbenta ng aliw, magbenta ng Organs mo para magkapera ng marami…. 

Alam mo kung anong kailangan mo? 

Maging “OPEN MINDED sa mga Opportunity”.

"You got a dream… You gotta protect it. People can’t do somethin’ themselves, they wanna tell you you can’t do it. If you want somethin’, go get it. Period." 
- Chris Gardner.

Get Tumblr Layouts